Mahalaga ang pakikipag-usap
Isa sa pinakamahalagang layunin mo bilang au pair dito sa Denmark ng iyong pagtira ay ang matutunan ang kanilang wika at maranasan ang kultura at pamamaraan ng pamumuhay ng mga Dane. Ito ay magiging ganap lamang kung sa simula pa ay nakikipag-usap ka na ng maayos sa pamilyang nag-anyaya at sa ibang Dane - madalas sa wikang ingles.
Mahalagang malaman ang mga patakaran
Mahalagang malaman mo ang mga karapatan at mga tungkulin ng mga au pair at ng mga pamilyang nag-anyaya - at paano ang mga batas, patakaran at mga pamamaraan nito. Sa site na ito ay nagtipon kami ng mga mahahalagang impormasyon dapat malaman at mga mungkahi kung paano magiging maganda ang simula ng paninirahan mo bilang au pair.
Karagdagang kaalaman
Kung hindi mo mahanap ang mga impormasyon maaring makipag-ugnayan ka sa Au pair Support. Sa Udlændingeservices website (Pambanyagang Kagawaran) ay mababasa ang mas maraming impormasyon tungkol sa mga alituntunin, karapatan at pamamaraan na may kinalaman sa patakaran tungkol sa au pair.



