Kung ikaw ay hindi taga-Europa ay dapat na mayroong pahintulot na manirahan
Kung gusto mong maging au pair sa isang pamilyang nag-anyaya sa Denmark, kailangang mong makaroon ng permisong manirahan. Kung ikaw ay mamamayan ng estado galing sa EU,EØS at Schweiz, ikaw ay may karapatan na manirahan ayon sa patakaran ng EU. Kung ikaw ay mamamayan ng mga bansa sa Hilaga (Nordic), ikaw ay may karapatang maglakbay, manirahan at magtrabaho sa Denmark. Mababasa ang mga patakaran tungkol sa mga mamamyan ng EU at Nordic na bansa dito.
Pangangailangan ng pasaporteng may bisa at pagpapanibago ng pasaporte
Upang makakuha ng permisong manirahan bilang au pair, ang iyong pasaporte ay dapat na may bisa pa. Ang permisong manirahan ay maibibigay lamang hanggang sa 3 buwan bago maging paso ang pasaporte. Halimbawa kung ang pasaporte ay balido ng hanggang 12 buwan, ang permisong manirahan na ibibigay ay hanggang 9 na buwan lamang. Ganoon din ang mga patakaran sa pagpapanibago at pagpapahaba ng permisong manirahan. Ang iyong pasaporte ay maaring ipabago sa embahada o kaya sa general consulate ng iyong bansa, habang ang Udlændingeservice (Pambanyagang Kagawaran) ay nagbabago lamang ng dayuhang pasaporte at convention pasaporte.
Pagpapahaba ng permiso
Ang aplikasyon tungkol sa pagpapahaba ng permisong manirahan ay kailangan ipasa ng isang buwan bago (at pinakamaaga ng 2 buwan bago) mapaso ng permiso mo. Ang gagamitin na aplikasyong pormularyo ay pareho sa ginamit sa aplikasyon ng permisong manirahan - tandaan lamang na ilagay na ito ay paghiling ng pagpapahaba ng permiso. Ang nakompletong aplikasyon ay ipasa sa Udlændingeservices Servicecenter (Pambanyagang kagawaran) o kaya sa lokal na pulis (sa labas ng Kopenhagen). Habang naka proseso ang mga papeles mo sa Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran) dahil nag-aapplay ka ng pagpapahaba ng permisong manirahan, ay maaaring magpatuloy ang kasunduan ninyo ng pamilyang nag-anyaya. Ang kontratang nilagdaan at pinagkasunduan ninyo ng pamilyang nag-anyaya ay dapat na kasama sa panibagong aplikasyon.
Katapusan ng Permisong Manirahan
Kung wala na ang batayan ng pagbibigay ng permisong manirahan ay hindi na ito mapapahaba o mapapanibago. Halimbawa ay kung pinutol mo na ang iyong trabaho bilang au pair o kung ang oras ng trabaho mo ay sobra sa makatuwirang patakaran ng batas. Ang ganitong uring pagbabago o paglabag ay dapat na ipaalam mo sa Udlændingeservice (Pambanyagang Kagawaran). Kung ikaw ay nakahanap ng bagong pamilyang nag-aanyaya ay dapat mag-aaplay ka ng panibagong permisong manirahan at mabigyan ka ulit, bago ka makapag-umpisa sa bagong au pair relasyon.
Pagbawi at pagtanggi ng permisong manirahan
Ang permisong manirahan ay maaaring bawiin o tanggihan ang pagpapahaba, kung wala nang bisa ang iyong pasaporte o ang ibang dokumento sa paglalakbay, o kaya kung nalaman na ikaw ay nagbigay ng maling impormasyon tungkol permisong manirahan. Ang permisong manirahan ay puwede ring maaring bawiin, kapag ikaw ay umalis ng sa Denmark ng mahabang panahon o hindi ka na tumitira sa Denmark.
Sa Udlændingeservices website (Pambanyagang Kagawaran) ay makikita ang higit pang impormasyon sa mga patakaran at pamamaraan na may kinalaman sa pagkuha ng permisong manirahan.



