Au Pair Support

Ganito kang mag-applay

Kapag ikaw ay mag-applay  
Upang magkaroon ng permisong manirahan sa Denmark bilang au pair ay dapat gamitin yung aplikasyong pormularyo ng Udlændingeservice (Pambanyagang Kagawaran) Kasama sa pormularyo ang pamamatnubay ng paglalakad, papaanong makumpleto at anong dokomentasyon, ang iyong ilalakip. Ang pamamaraan ay ganito, ang pamilyang nag-anyaya ang siyang unang dapat magkompleto ng pormularyo (bahaging 2 at 3) at ipadala sa iyo. Pagkatapos kompletuhin ang iyong bahaging ng pormularyo (bahaging 1 at 2), ilalakip ang mga kinakailangang dokumentasyon bago tuluyang ipasa ang aplikasyon.

Dito ipasa ang aplikasyon

Ang aplikasyon ay kailangang ipasa sa isang Danish General Consulate o kaya sa Embahada ng Dane sa iyong bansa. Kung ikaw ay nakarehistrong hindi nakatira sa iyong bansa ng 3 buwan ay maaring magkaroon ng legal na sugo o representante sa Denmark o sa bansang paghahainan ng papeles. Kung ikaw ay nakatira sa Pilipinas, ang aplikasyon ay pwede mong ipadala o kaya ipasa sa Embahada ng Norway sa Manila.

Kung ang aplikasyon ay ipasa sa Denmark

Kung ang iyong aplikasyon ay ipapasa sa Denmark sa iyong pagdating, ay puwedeng tanggihan ito ng Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran). Ikaw ay pauuwiing muli sa Pilipinas at doon ka mag-applay. Kung ikaw ay nakatirang legal sa Denmark, habang naipasa na ang iyong aplikasyon, ito ay hindi nila maaaring tanggihan. Habang naka proseso ang mga papeles mo sa Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran) puwede kang manirahan dito sa Denmark. Kung matanggihan ang iyong aplikasyon, puwede kang mag reklamo tungkol sa desisyon sa Integrationsministeriet (Kagawarang Pang immigrasyon). Sa Denmark ay maaaring ipasa ang aplikasyon sa Servicecenter ng Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran) o kaya sa lokal na pulis (sa labas ng Kopenhagen).

Sagot sa aplikasyon
Ang desisyon ng aplikasyon mo ay ipapadala sa kawani kung saan ka nag-applay. Pagkatapos ikaw ay makakatanggap ng sulat tungkol sa desisyon, o kaya ikaw ay papapuntahin sa kawani para doon nila ibigay sa iyo. Kung sa Denmark ka nag-applay, ipapadala nila ang desisyon sa lugar na iyong tinitirahan, sa iyong abogado o kaya ay sa pamamagitan ng isang mensahe galing sa pulis o sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa Udlændingeservices Servicecenter (Pambanyagang Kagawaran) - Ngunit kung matanggihan ka makakatanggap ka din ng mensahe tungkol sa iyong paglisan sa Denmark sa isang nakatakdang petsa. Kasama dito ang kaalaman kung paano mag reklamo tungkol sa desisyon.

Makakahanap ka ng mas maraming kaalaman tungkol paano mag-applay dito sa website ng Udlændingeservices.