Pagdating sa Denmark:
- Salubungin mo ang pamilyang nag-anyaya ng may ngiti at magandang pagbati.
- Sa pagdating mo at ikaw ay pagod galing sa byahe, sabihin mo lang sa kanila.
- Ihanda mo ang iyong sarili (malamang) na matanggap ang kaibahan ng inyong kultura at masanay sa kakaibang tradisyon, pagkain at pamumuhay
Kung ikaw ay galling sa ibang pamilyang Dane:
- Ipaliwanag mo sa bago mong pamilyang nag-anyaya kung bakit gusto mong lumipat ng pamilya.
- Ipaalam mo sa bago mong pamilyang nag-anyaya kung gaano ka na katagal sa Denmark
Ekonomiya:
- Mabuting ang inyong napagkasunduang panggastos ay ipasok sa banko - upang may maliwanag na katibayan
- Dapat magkasundo kayo tungkol sa mga planong bakasyon bago magsimula ang kontrata (Basahin doon sa Arbejdsdirektoratets website (Kagawarang Pangkabuhayan)
- Magkasundo sa simula pa lang kung sino ang gagatos sa pamasahe sa bus, telepono at gastusin sa paaralan ng wika
- Magkasundo sa simula kung kaylan maaaring gamitin ang telepono ng pamilya
Karagdagang Kaalaman:
- Kung may mga bagay na inyong hindi maintindihan/maliwanag sayo, ay tanungin mo ang pamilyang nag-anyaya
- Kung merong mga salita o mensahe, na hindi mo naintidihan, ay hilingin na ipaliwanag sa iyo ng mas malinaw
- Laging maging tapat. Huwag magtago o magsinungaling kung may nangyaring hindi maganda, lalo na sa mga bagay na iyong ipinangako dahil mayroon din silang inaasahan sa iyo
- Kapag ikaw ay nakasira, sabihin mo agad sa pamilyang nag-anyaya
- Kung ikaw ay sa iyong bansa, nalulungkot o natatakot, kausapin mo agad ang pamilyang nag-anyaya tungkol dito
- Magpaalam kung may mga kaibigan kang gustong makitulog - at kung kailan
- Sabihin agad sa pamilyang nag-anyaya, kung masama ang iyong pakiramdam
- Magkasundo sa iyong oras ng trabaho at mga gawain at mas mabuting nakasulat ang mga ito upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan
- Kapag ang pamilyang nag-anyaya ay nag-anyayang mikasalo ka sa hapunan, kasiyahan at iba pang karanasan, magsabi lamang ng ja tak (opo, salamat po). Ito ay isang magandang paraan upang mapabilis ang pagiging bahagi mo sa pamilya



