Au Pair Support

Para sa pamilyang nag-anyaya

Ihanda ang sarili sa ibat-ibang mga tungkulin
Ang magkaroon ng isang taong nakatira, galing sa isang dayuhang kultura, nakikikain, nakikisama sa pamilya, ay isang malaking hamon sa pakikitungo, na maaaring maging ibang-iba sa inaasahan. Ito din ay isang malaking tungkulin, kaya’t dapat na handa sa lahat ng maaring mangyari. Bilang isang pamilyang nag-anyaya, mahalagang malaman ang mga karapatan at mga tungkulin ng mga pamilyang nag-anyaya at mga au pair - at paano ang mga batas, patakaran at mga pamamaraan nito.

Magandang simula para sa pamilyang nag-anyaya
Sa site na ito ay nagtipon kami ng mga mabuting dapat malaman, mga mungkahi at payo kung paano magiging pamilyang nag-anyaya at paano maging maganda ang simula ng ugnayan ninyo. Sa menu “Tungkol sa patakaran tungkol sa au pair” ay maaring makabasa ng higit na kaalaman o impormasyon tungkol sa kontrata, permisong manirahan, mga kinakailangan sa pamilyang nag-anyaya at mga kasagutan sa mga tanong tungkol sa mga patakaran tungkol sa au pair.  

Karagdagang Kaalaman o impormasyon
Kung hindi mo mahanap ang mga impormasyon, iyong kinakailangan, makipagugnayan lamang sa Au Pair Support. Sa Udlændingeservices website (Pambanyagang Kagawaran) ay makahahanap ng mas malalim na impormasyon tungkol sa mga patakaran tungkol sa au pair, pangangailangan, alituntunin at pamamaraan.