Au Pair Support

Ganito kayong mag-applay

Kapag kayo ay mag-applay
Upang magkaroon ng permisong manirahan sa Denmark ang isang au pair, ay dapat gamitin ang aplikasyong pormularyo ng Udlændingeservice (Pambanyagang Kagawaran). Kasama sa pormularyo ang pamamatnubay ng paglalakad at papaanong makumpleto at aling dokomentasyon, ang iyong ilalakip. Ang pamamaraan ay ganito, ang pamilyang nag-anyaya sa Denmark ay dapat kompletuhin ang aplikasyong pormularyo (bahaging 2 at bahaging 3) at ipadala sa au pair. Pagkatapos kompletohin ang au pair ang kanyang bahaging ng pormularyo (bahaging 1 at 2), ilakip ang mga kinakailangang dokumentasyon bago tuluyang ipasa ang aplikasyon.

Dito ipasa ang aplikasyon
Ang aplikasyon ay kailangang ipasa ng au pair sa isang Danish General Consulate o kaya sa Embahada ng Dane sa kanyang bansa. Kung ang au pair ay nakarehistrong hindi nakatira sa kanyang bansa ng 3 buwan ay maaring magkaroon ng legal na sugo o representante sa Denmark o sa bansang paghahainan ng papeles. Kung ang au pair ay nakatira sa Pilipinas, ang aplikasyon ay pwede mong ipadala o kaya ipasa sa Embahada ng Norway sa Manila.

Kung ang aplikasyon ay ipasa sa Denmark
Kung ang aplikasyon ay ipapasa sa Denmark sa pagdating ang au pair, ay ito puwedeng tanggihan ng Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran). Ang au pair ay pauuwiing muli sa Pilipinas at doon siya mag-applay. Kung ang au pair ay nakatirang legal sa Denmark, habang naipasa na ang aplikasyon, ito ay hindi nila maaaring tanggihan. Habang naka proseso ang mga papeles ng au pair sa Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran) puwede siyang manirahan dito sa Denmark. Kung matanggihan ang aplikasyon, puwedeng mag reklamo ang nag-apply tungkol sa desisyon sa Integrationsministeriet (Kagawarang Pang immigrasyon). Sa Denmark ay maaaring ipasa ang aplikasyon sa Servicecenter ng Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran) o kaya sa lokal na pulis (sa labas ng Kopenhagen).

Sagot sa aplikasyon
Ang desisyon ng aplikasyon ay ipapadala sa kawani kung saan nag-applay ang au pair. Pagkatapos nito, siya ay makakatanggap ng sulat tungkol sa desisyon, o kaya papapuntahin sa kawani para doon nila ibigay. Kung sa Denmark siya nag-applay, ipapadala nila ang desisyon sa lugar na tinitirahan ng au pair, sa kanyang abogado o kaya ay sa pamamagitan ng isang mensahe galing sa pulis o sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa Udlændingeservices Servicecenter (Pambanyagang Kagawaran) - Ngunit kung matanggihan ang nag-applay, makakatanggap siya ng mensahe tungkol sa kanyang paglisan sa Denmark sa isang nakatakdang petsa. Kasama dito ang kaalaman kung paano mag reklamo tungkol sa desisyon. Mahahanap ang mas maraming impormasyong paano mag-applay sa Udlændingeservices website (Pambanyagang Kagawaran).