Au Pair Support

Magandang Payo sa Pamilyang nag-anyaya

Bago lumagda sa kontrata:

  • Makipagugnayan sa au pair sa pamamagitan ng pagtawag o pagsulat (e-mail) bago lumagda ng kontrata
  • Sabihin kung saan kayo nakatira - sa lungsod o sa lalawigan
  • Sabihin kung ano ang iyong inaasahan, halimbawa kung magluluto siya araw araw, kung marunong magmamaneho ang au pair, mag-alaga ng hayop at iba pang mga bagay

Kapag ang au pair ay dumating sa bansa:

  • Salubungin ang au pair ng may ngiti, bukas palad at may malawak na pang-unawa
  • Makiramdam kung siya ay pagod sa biyahe
  • Maging maunawain lalo na kung siya ay galing sa ibang kultura at may kakaibang pamamaraan, pagkain at uri ng pamumuhay
  • Ipaliwanag sa magandang paraan kung paano kayo namumuhay at nakikisalamuha sa Denmark
  • Magtanong at magpakita ng hangad na makilala din ang kanyang bansa at kultura
  • Ipaliwanag na ang pagiging tapat at bukas ay mahalaga sa inyong ugnayan at makakatulong ng maayos sa kanyang pagtira
  • Ipakilala ang au pair sa iyong pamilya, mga kaibigan, kapitbahay at mga bisita
  • Ipakita sa au pair ang kapaligiran ituro kung saan mayroong aklatan, palengke, doktor at botika
  • Ipaliwanag din kung saan makakakuha ng pampublikong sasakyanan o kung papaano ito gamitin
  • Magsabit ng tala ng mga numero ng telepeno ng miyembro ng pamilya, ilang pang kapitbahay at 112 (emergency phone)

Kung ang au pair ay galing na sa ibang pamilyang Dane:

  • Bago lumagda sa kontrata: hilinging Makita kung may bisa pa ang kanyang pasaporte at permisong manirahan upang makita mo kung gaano pa siya katagal at maaaring lumagi sa iyo
  • Hilingin ang permisong makausap ang dating pamilyang kumupkop sa kanya

Ekonomiya:

  • Kung ang pamilyang nag-anyaya ang nagbayad ng pamasahe ng au pair papuntang Denmark dapat na may kasulatan kung inaasahan na bayaran ito ng au pair kapag hindi niya natapos ang kanyang kontrata
  • Makipagkasundo tungkol sa mga panahon ng bakasyon bago lumagda ng kontrata (Magbasa pa sa Arbejdsdirektoratets website (Kagawarang Pangkabuhayan)
  • Magkasundo kung sino ang magbabayad ng mga pamasahe sa bus, mobil na telepono, bayad sa paaralan ng wika at kung gaano kadalas at kaylan maaaring gamiting ang telepono ng pamilya
  • Bayaran ang panggastos sa pamamagitang ng banko - upang may maliwanag na katibayan

Karagdagang Kaalaman:

  • Sa umpisa pa lamang ay isama na ang au pair sa mga pagtitipon ng pamilya, kaarawan, kasiyahan at iba pang karanasan
  • Makinig sa au pair at mag usap ng mahinahon
  • Huwag sumigaw o pagalitan ang au pair. Madalas ang hindi pagkakaunawaan ay hindi sinasadya
  • Kung siya ay nagkamali, sabihin sa magandang paraan at ituwid kung paano dapat na maayos ang sitwasyon
  • Liwanagin na huwag siyang mahiyang magtanong - tungkol sa hindi niya naiintindihan at mga bagay sa kanyanag tungkulin, mga tanong at kulturang Dane
  • Ipaliwanag na hindi namamalo ng bata sa Denmark. May mga kultura na kung saan ito ay tinatanggap
  • Mas mabuting isulat ang kanyang mga tungkulin at oras sa bahay upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
  • Igalang ang kanyang oras ng pahinga at pribadong buhay at ipaalam din ito sa mga bata
  • Magkasundo kung siya ay may pahintulot na magpatulog ng bisita
  • Ipaliwanag din na dapat siyang humingi ng permiso kung siya ay may bisita kapag wala kayo - at kung ilang tao ang darating
  • Ipaliwanag din na bawal magtrabaho para sa ibang pamilya o tao
  • Maging maliwanag kung ano ang mga pagkaing maaring galawin lalo na kung may pinaglalaanan kang okasyon o kasiyahan para dito
  • Tandaan na ipatanggal siya sa talaan kapag natapos na ang kanyang kontrata. Kung hindi mo ito magawa ay maaring hindi ka makakuha ng panibagong au pair