Pagpapalitanan ng kultura at tulong sa tahanan
Ang isang au pair ay nakikitira sa isang pamilya na nasa ibang bansa, upang matuto ng panibagong wika, at makilala ang kultura ng bansang kanyang kinalalagyan. Sa kabilang dako, siya ay tumutulong sa mga pantahanang gawain kagaya ng paglilinis, paglalaba, pagluluto ng pagkain at pag-aalaga ng bata sa pamilyang nag-anyaya.
Tungkulin at karapatan
Ang ibig sabihin ng au pair ay ”pantay-pantay na pagtitingala”. Ang isang au pair ay dapat ituring na parang isang miyembro ng pamilyang nag-anyaya. Ang au pair ay dapat na bigyan ng libreng tirahan at pagkain at dapat tratuhin sa pantay-pantay na pagtitingala sa ibang mga miyembro ng pamilya. Ang mga pang-araw-araw na obligasyon sa tahanan ay kailangang gawin sa loob ng 5 oras lamang sa isang araw at humigit kumulang 30 oras sa isang linggo. Ang au pair ay mayroong karapatang magkaroon ng kahit isang araw na walang pasok. Maliban dito, nararapat din silang bigyan ng perang panggastos na nasa pamantayang halaga.
Mga kinakailangan mula sa au pair at sa pamilyang nag-anyaya
Upang makakuha ng permisong manirahan ang au pair, siya ay dapat sa pagitan ng 17-29 gulang at walang asawa. Siya ay dapat na may sariling kwarto sa tahanan ng pamilyang nag-anyaya, na mayroong anak na hindi lalampas ng 18 gulang. Dapat ay mayroon silang nilagdaang kasulatang kasunduan na kung saan ay nakasaad ang pangangailangan ng permisong paninirahan hangang 18 buwan. Ang permisong paninirahan ay maaring mapahaba kung merong espesyal na sitwasyon.



