Mga patakaran para sa pantahanang tungkulin sa pamilyang nag-anyaya
Ang au pair at pamilyang nag-anyaya ay dapat lumagda sa isang pinagkasunduang kontrata ng au pair. Dapat na ipahiwatig na ang au pair ay dapat na ituring na kapantay at bahagi ng pamilya ng nag-anyaya, at ang pang araw-araw na obligasyon ng au pair ay kailangang mga ordinaryong pangtahanang trabaho lamang - kagaya ng pag-aalaga ng bata, paglilinis at paglalaba. Ang au pair ay makakatira at kumain ng libre sa tahanan ng pamilyang nag-anyaya at makakatanggap ng halagang hindi bababa sa 3050 kr. na panggastos kada buwan. Hindi maaring magkaroon ng sabay na higit sa isang au pair sa isang pamilyang nag-anyaya.
Alituntunin tungkol sa oras ng trabaho
Ang au pair ay kailangang magsagawa ng kanyang takdang tungkulin mula 3 hanggang 5 oras sa isang araw - ang ibig sabihin nito ay dapat na tumugma sa pagitan ng 18 hanggang 30 oras sa isang linggo. Halimbawa, kung ang au pair ay kailangang magtrabaho ng 6 na oras sa isang araw mula Lunes hangang Biyernes at may libreng araw na walang pasok ng Sabado at Linggo, hindi siya maaring mabigyan ng permiso na manirahan. Ang au pair ay hindi maaaring magtrabaho ng ibang gawaing na higit sa pantahanan. Ang kanyang obligasyon ay sa pamilyang nag-anyaya lamang at hindi maaring bigyan ng ibang trabaho para sa ibang pamilya. Kung hindi nasusunod ang mga patakarang ito, ang au pair ay kinikilalang nagtratrabaho ng illegal sa Denmark. Ipinapayo na magpatuloy na magbasa tungkol sa pang-aabuso ng patakaran dito.
Libangan, karamdaman at bakasyon
Ang au pair ay kailangang mabigyan ng isang libreng araw sa isang linggo at oras upang makapag-aral ng wika, lumago sa ibang mga kaalaman, sa kultura at magkaroon ng panahon at kalayaan para sa kanyang relihiyon. Kapag ang au pair ay nagkasakit sa kanilang pagtira dito, ang pamilyang nag-anyaya ay dapat na magbahagi ng libreng tirahan, pagkain at magbigay ng nararapat na pag-aalaga hanggang sa paggaling niya. Kapag ang au pair ay natapos na ang kanilang pamamalagi dito, ay kailangang ang pamilyang nag-anyaya sa kanya ang magbabayad ng pamasahe pabalik sa kanyang bansa, higit kung ang au pair ay nanggaling sa isang bansa labas ng europa.
Karampatang panahon at pagpapahaba ng permisong manatili
Ang au pair ay maaaring manirahan sa bansa hanggang 24 buwan. Kahit ang au pair ay nanggaling sa ibang pamilya dito sa Denmark, ang au pair ay maaari lamang manira sa bagong pamilyang nag-anyaya sa mga naiwan ng 24 buwan. Ang au pair ay pangkalahatan at hindi dapat lumipat sa isang bagong nag-anyaya pamilya.kung siya ay rehistrado sa ibat-ibang nag-anyayang pamilya sa higit sa isang taon.
Pagwawakas ng kontrata
Ang au pair at pamilyang nag-anyaya ay dapat sumang-ayon sa pagtatapos o pagpuputol ng kontrata at dapat na magbigay ng 2 linggo babala - at dapat na agarang lutasin kung ang isa sa kanila ay hindi sumunod sa mga nakalaad sa kontrata. Hindi maaari ang biglaang pagwawakas o pagganap sa isang bagay na hindi pinagkasunduan. Walang maaaring baguhin sa kontrata ng au pair kung walang permisong nanggaling ng Udlændingeservice (Pangbanyagang Kagawaran)



