Au Pair Support

Mga tanong at sagot

Ekonomiya:
Tanong: Sino ang magbabayad, kung ang au pair ay nakasira ng gamit  o kaya mga damit ng pamilyang nag-anyaya?
Sagot: Ang segurong pangbahay ng pamilyang nag-anyayang ang magbabayad nito.

Tanong: Sino ang magbabayad ng pag-aaral ng wika, pamasahe, mobil na telepono, pampaligo (shampoo, sabon)  at iba pang personal na kagamitan ng au pair?
Sagot: Ang au pair mismo ang magbabayad ng mga ito maliban kung may pinagkasunduan sila ng pamilyang nag-anyaya.

Tanong: Kailan makukuha ang au pair ng kr. 3.050,- na panggastos sa bawat  buwan? 
Sagot: Kapag ang kanyang pormularyo ay naipasok ng Enero 1, 2011 o sa mga kasunod pang araw. Kung ang pormularyo ay naibigay sa panahon mula Enero 1, 2010 hangang Disyembre 31, 2010, ang makukuhang panggastos ay kr. 3.000,- Kapag ang pormularyo ay naibigay sa panahon mula Hulyo 1, 2009 hangang Disyembre 31, 2009, ang makukuhang panggastos ay kr. 2.900,- at kapag naibigay bago Hulyo 1, 2009, ay may panggastos na 2.500,-

Tanong: Kailan makukuha ang au pair ng kr. 3.000,- na panggastos sa bawat buwan?
Sagot: Kapag ang kanyang pormularyo ay naipasok ng Enero 1, 2010 o sa mga kasunod pang araw. Kapag ang pormularyo ay naibigay sa panahon mula Hulyo 1, 2009 hangang Disyembre 31, 2009, ang makukuhang panggastos ay kr. 2.900,- at kapag naibigay bago Hulyo 1, 2009, ay may panggastos na 2.500,-

Ang panggastos sa paglalakbay:
Tanong: Sino ang magbabayad ng pamasahe sa pabalik ng au pair sa kanyang bansang nasa labas ng Europa?
Sagot: Ang pamilyang nag-anyaya ang magbabayad ng pamasahe niya pag-uwi. Kung ang au pair ay nagpapalit ng pamilyang nag-anyaya, ang huling pamilyang nag-anyaya ang magbabayad ng pamasaheng ito kahit saglit lang siya nakatira sa bagong pamilyang nag-anyaya, at bago mapaso ang permisong paninirahan.      
Tanong : Maari bang ibayad na pera imbes na ibili ng tiket ang pamasahe ng au pair sa kanyang pag-uwi.
Sagot: Hindi, ang karapatan lang ang au pair ay ang pamasahe sa kanyang pag-uwi.

Tanong: Sino ang magbabayad sa pamasahe ng au pair sa kanyang paglalalakbay patungong Denmark?
Sagot: Ang magbabayad ay ang au pair, maliban kung sila ay mayroong usapan ng pamilyang nag-anyaya.

Tanong:  Maari bang hindi bayaran ng pamilyang nag-anyaya ang pamasahe ng au pair sa pag-uwi kung sila na ang nagbayad ng kanyang pagpunta sa Denmark?
Sagot: Hindi Ang pamilyang nag-anyaya ay kailangang laging magbabayad ng pamasahe sa pag-uwi ng au pair sa kanyang bansang nasa labas ng Europa.


Iba pang mga paksa:
Tanong: Puwede bang makabalik ng maraming beses ang au pair dito sa Denmark?
Sagot: Hindi. Ang au pair ay maari lamang na makapanirahan dito ng hanggang 24 buwan. Ngunit maaari siyang magpalit ng pamilyang nag-anyaya sa loob ng panahong iyon.

Tanong: Puwede bang pahabain ang permisong manirahan dito pagkatapos ng 24 buwan.
Sagot: Hindi puwede, 24 buwan ang ganap na pinakamahabang maaaring manatili ang au pair dito sa Denmark.

Tanong: Sino ang magpapatanggal sa patalaan kapag ang au pair ay lumipat?
Sagot: Ang pamilyang nag-anyaya. Kapag ang nakaraang au pair ay hindi pinaalis sa talaan maaaring tanggihan sa paglalakad ng papeles kung kukuha ka ng bagong au pair.
 
Tanong: Ang au pair ba ay kailangang inbitahin ng pamilyang nag-anyaya kapag sila ay magbabakasyon?
Sagot: Depende sa pamilyang nag-anyaya kung ano ang desisyon nila. Kung hindi isasama ang au pair ay dapat pa din nilang bigyan siya ng pagkain o panggastos para sa pagkain habang sila ay nasa bakasyon.

Tanong: Puwede bang ang au pair ay tumira sa iba maliban sa pamilyang mag-aanyaya?
Sagot: Hindi, kahit na sa anong katayuan.