Bakasyon ayon sa batas at mga patakaran sa pambubuwis
Ayon sa alituntunin para sa au pair ay hindi sila maaring gumawa ng ibang Gawain maliban sa tungkuling pantahanan sa pamilyang nag-anyaya sa loob ng takda at limitadong oras. Ngunit itinuturing itong parang isang pangkaraniwang trabaho na nangangailangan ng bakasyon ayon sa batas at tamang pambubuwis. Dapat na maliwanag ang kasunduan tungkol sa mga bagay na ito sa simula ng paninirahan. Ang alituntunin ay maliwanag na nanggaling ng Arbejdsdirektoratets website (Kagawarang Pangkabuhayan) Maaring tumawag sa tanggapan ng Feriekontoret (Opisina ng Bakasyon) sa teleponong 38 14 84 84. Ang mga katanungan ukol sa buwis ay maaring masagot ng skatteforvaltningen (Tanggapan ng Pagbubuwis) sa kommune (Munisipyo) ng pamilyang nag-anyaya.
Folkeregister (Pagpapatala), Segurong Pangkalusugan (Health Insurance) at iba pang Seguro
Bago mag 5 araw ng paninirahan ang au pair ay dapat tiyaking ng pamilyang nag-anyaya na siya ay ipa rehistro sa pagpapatala at mayroon na siyang Segurong Pangkalusugan. Dapat din ipatanggal sa talaan kung tapos na ang kanyang pamamalagi. Kapag ang nakaraang au pair ay hindi pinaalis sa talaan maaaring tanggihan sa paglalakad ng papeles kung kukuha ka ng bagong au pair. Kung higit sa 400 na oras sa isang taon ang kanyang trabaho, dapat na ikuha ng pamilyang nag-anyaya ang au pair ng Segurong Pangkabuhayan. Maaring magbasa pa tungkol dito sa Arbejdsskadestyrelsens website (Kagawaran ng Pangkabuhayan). Ang pamilyang nag-anyaya ay dapat mag pagawa ng seguro sa panlibangan- at sakuna, at saka isang seguro na sakop ang gastos para sa pagbabalik bayan pag pangyayari na namatay ang au pair, taimtim na sakit o kaya aksidente. Silang tatlo ay puwede mong ipagawa sa isang pribadong kompanya ng seguro.



