Kahihinatnan ng paglabag
Ang isang au pair ay may permisong manirahan at hindi permisong magtrabaho sa Denmark. Ayon sa batas para sa au pair ay hindi maaaring mag sagawa ng ibang gawain kundi ang tungkuling pantahanan sa pamilyang nag-anyaya sa loob ng takda at limitadong oras, at may bayad man o wala, hindi siya maaring magtrabaho sa iba maliban sa pamilyang nag-anyaya sa kanya. Kapag lumabag sa mga pambatas na patakaran tungkol sa pamamalagi ay maaring ang bawat isa sa kanila ay maparusahan ng multa o kaya ay makulong. Dagdag pa dito, ang au pair ay mawalan ng permisong manirahan at mapaalis sa bansa.
Panahon ng Kwarentena sa pamilyang nag-anyaya
Ang isang pamilyang nag-anyaya na lumabag sa kondisyon ng kontrata, kagaya ng oras ng trabaho o kaya ng pagbibigay ng nararapat na perang panggastos, ay hindi na sakop sa patakaran tungkol sa au pair sa loob ng 2 taon. Ito ang tinatawag ng panahon ng kwarentena. Kapag labag sa batas ang trabaho ng au pair ay maaring mapahaba ang panahon ng kwarentena na ito ng hanggang 5 taon. Kung may kasong karahasang sa au pair, ang panahon ng kwarentena na ito ay pahahabain ng 10 taon.



