Mga kinakailangan sa au pair
Ang au pair ay nasa 17-29 gulang sa panahon ng kanyang pagbibigay ng aplikasyon, at dapat wala pa siyang pamilya, kinakasama, kasal o kaya anak.
Bukod doon ang au pair ay dapat nakapag tapos ng hindi bababa ng highschool at nakakapagsalita at nakakaintindi ng kunting danish, Swedish, Norwegian, English o kaya Aleman.
Mahalaga ding tiyakin na siya ay hindi pa naging au pair sa mahigit sa dalawang bansa dito sa kanlurang-europa o kaya ay nagkaroon ng permisong maninirahan dito sa Denmark.
Ang au pair ay dapat na sa pangkahalatan ay hindi ng parehong nasyonalidad bilang pamilya nag-anyaya at walang kaugnayan sa isa o higit pang miyembro ng pamilya nag-anyaya.



