Au Pair Support

Sino ang maaring maging pamilyang nag-anyaya?

Mga kinakailangan sa pamilyang nag-anyaya
Ang isang pamilyang nag-anyaya ay maaring isang buong pamilya o kaya ay mayroong kahit na isang magulang at isang batang may gulang na mababa sa 18. Ang isa sa mga magulang ay dapat na mamamayang Dane, maliban na lamang sa mga mamamayan ng EU na nakatira sa Denmark o kaya ay mga dayuhang may mahabang permiso na manirahan sa Denmark. Sa pamilyang may magulang na hindi na nagsasama ngunit parehong may obligasyon sa bata, kailangang pareho silang makaabot sa mga batayang kinakailangan para sa pamilyang nag-aanyaya at parehong lalagda sa kontrata ng kanilang au pair. Ito ay dahil sa ang au pair lagging makakasama ang mga bata. Sa panghuli, ang pamilyang nag-anyaya ay hindi dapat tumatanggap ng sustento sa gobyerno o kaya ay nagkaroon ng panahon ng kwarentena dahil sa pang-aabuso ng patakaran tungkol sa au pair. Sa kalagayan ng bahay ng pamilyang nag-anyaya ito ay maybisa - bukod sa may laman ng paninirahan para sa au pair – bilang isang minimum may laman na isang pahingahan na kwarto at saka isang paninirahan per dalawang tao na nakarehistro sa bahay.