Payo para sa isang matagumpay na paninirahan ng au pair
Ang Au pair Support ay isang propesyonal na payo para sa mga au pair at ang pamilyang nag-anyaya sa kanya at ito ay walang bayad, upang ang paninirahan ng au pair ay magiging matagumpay para sa kanilang lahat. Makakatulong kami sa pagsagot sa mga katanungan at makapagbigay ng mahusay at kaukulang payo sa mga pamilya dito sa Denmark na ibig kumupkop ng mga au pair na galing sa ibang bansa.
Mga katangunan…
Ano ang mga tuntunin at mga batas na naangkop sa paninirahan ng isang au pair dito sa Denmark? Ano ang mga mahahalagang bagay na dapat malaman ng au pair at ng pamilyang nag-anyaya? Papaanong makakakuha ng permisong manirahan? Ano ang sinasaad sa batas tungkol sa oras ng trabaho? Papaano maaayos ang mga hindi pagkakaunawaan ng isang au pair at ng pamilyang nag-anyaya?
...at sagot
Ang mga kasagutan sa inyong tanong ay mahahanap dito sa website maging ang mga pangkalahatang impormasyon at magagandang payo sa mga au pair at sa pamilyang nag-anyaya. Maaaring kang makipag-ugnayan sa amin dito.



