Au Pair Support

Mga Serbisyo para sa Pamilyang Nag-anyaya

Pamamagitan
Ang pamilya ay nahihirapang ba makipagusap sa au pair? Minsan ba ay mayroon kayong di pagkakaunawaan? O kaya naman kayo ay masaya sa bawat isa at nakikipag-ugnayan? Ang Au pair Support ay makakatulong sa iyo. Kami ay maaaring mamagitan sa mga pamilyang nag-anyaya at mga au pair kung nais nilang maayos ang kanilang samahan ngunit nangangailangan ng tulong sa pakikipagugnayan. Kung makakakuha ng tulong sa mabilis na panahon ay maaaring maayos agad ang mga hindi pagkakaunawaan imbes na tapusin na lamang ang ugnayan.

 
Boluntaryong network
Kung ang inyong au pair ay nais makakilala ng ibang tao maliban sa pamilyang nag-anyaya, ang Dansk Flygtningehjælps (Danish Refugee Councils) boluntaryong network ay isang posibilidad. Ang network, sa iba’t-ibang lugar sa bansa, ay may mga gawain gaya ng tulong sa pag-aaral, pag-unlad ng natutunang wika, mga paglabas at pamamasyal, pananahi at iba pang mga gawaing pangugnayan at pangkultural. Makipagugnayan sa Au pair Support tungkol sa network sa iyong lugar.

Mga personal na payo
Kung nag-aalinlangan ka sa iyong mga karapatan at tungkulin bilang pamilyang nag-anyaya, makipag-ugnayan ka sa Au pair Support upang mapayuhan at mabigyan ng alalay. Maaring tungkol sa mga trabahong gawain, oras ng kanyang trabaho, mga bisita niya, o ano man ang puwedeng gawin ng pamilyang nag-anyayakung ang inyong pagsasama ng pamilyang nag-anyaya ay hindi maganda.


Mga boluntaryong payo
Kung ang inyong au pair nais magkaroon ng kaalaman tungkol sa pag-aaral- at sa pagkakaroon ng permisong magtrabaho o kaya ay sa pagsasama ng iyong pamilya dito, ay maaring sumangguni sa mga boluntaryong tagapayo ng Dansk Flygtningehjælp (Danish Refugee council) o sa Au pair Support. Ang mga tanggapan at oras ng pasok ng mga boluntaryong tagapayo ay mahahanap sa Frivillignets website.