Au Pair Support

Serbisyo para sa mga au pair

Pamamagitan
Ikaw ba nahihirapang makipagusap sa pamilyang nag-anyaya sa iyo? Minsan ba ay mayroon kayong di pagkakaunawaan? O kaya naman kayo ay masaya sa bawat isa at nakikipag-ugnayan? Malamang ang Au pair Support ay makakatulong sa iyo. Kami ay maaaring mamagitan sa mga au pair at mga pamilyang nag-anyaya kung nais nilang maayos ang kanilang samahan ngunit nangangailangan ng tulong sa pakikipagugnayan. Kung makakakuha ng tulong sa mabilis na panahon ay maaaring maayos agad ang mga hindi pagkakaunawaan imbes na tapusin na lamang ang ugnayan.


Boluntaryong network
Kung nais mong makakilala ng ibang tao maliban sa pamilyang nag-anyaya, ang Dansk Flygtningehjælps (Danish Refugee Councils) boluntaryong network ay isang posibilidad. Ang network, sa iba’t-ibang lugar sa bansa, ay may mga gawain gaya ng tulong sa pag-aaral, pag-unlad ng natutunang wika, mga paglabas at pamamasyal, pananahi at iba pang mga gawaing pangugnayan at pangkultural. Makipagugnayan sa Au pair Support tungkol sa network sa iyong lugar.


Mga personal na payo
Kung nag-aalinlangan ka sa iyong mga karapatan at tungkulin bilang au pair, makipag-ugnayan ka sa Au pair Support upang mapayuhan at mabigyan ng alalay. Maaring tungkol sa mga trabahong gawain, na ikaw ay inutusang tapusin, o kaya kung anong dapat mong gawin kung ang inyong pagsasama ng pamilyang nag-anyaya ay hindi maganda.


Taong maaaring makipagugnayan
Kung ikaw ay nakatayo sa isang pangit na situasyon, at hindi mo makausap ang pamilyang nag-anyaya tungkol dito, makipag-ugnayan ka sa Au pair Support. Ang aming mga tagapagpayo at makakatulong na ipaliwanang ang mga karapatan mo at mga tamang paraan upang lutasin ang iyong kinalalagayan. At kailangan mo ba ng isang taong makakausap tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa iyo, ang Dansk Flygtningehjælp (Danish Refugee Council) ay makakatulong sa iyo na mabigyan ka ng isang taong makakapagpayo mula sa aming network ng mga boluntary. Ang taong makipagugnayan ay siya ay hindi makakatulong sa mga konkretong problema - ngunit maari silang makinig at sumuporta sa paghahanap ng tulong.


Pag-aaral ng wika
Kung gusto mong matuto mag Danish, maari kang maturuan sa isa sa paaralan ng wika sa bansa, kabilang ang mga wika na paaralan Lærdansk na nasa ilalim ng Dansk Flygtningehjælp (Danish Refugee Council). Sa Lærdansks website ay makikita ang mas madami pang impormasyon tungkol sa mga paaralan ng wika na at sa pag-aaral.


Mga boluntaryong payo
Kung nais mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa pag-aaral- at sa pagkakaroon ng permisong magtrabaho o kaya ay sa pagsasama ng iyong pamilya dito, ay maaring sumangguni sa mga boluntaryong tagapayo ng Dansk Flygtningehjælp (Danish Refugee council) o sa Au pair Support. Ang mga tanggapan at oras ng pasok ng mga boluntaryong tagapayo ay mahahanap sa Frivillignets website.