Au Pair Support

Tungkol sa Au pair Support

Kakayanang magbigay ng payo at karanasang naaayon sa batas
Ang Au pair support ay isang bahagi ng Dansk Flygtningehjælp (Danish Refugee Council) - na isang pribado at makataong organisasyon na walang ugnayan sa pamahalaan. Ang Support-team ay mahahanap sa tanggapan ng Dansk Flygtningehjælp (Danish Refugee Council) sa opisina nila sa Kopenhagen. Ang aming mga taga payo at mga abogado ay may malawak na kaalaman tungkol sa patakaran sa au pair at permisong manirahan ng mga dayuhan sa Denmark.

Ang Au pair support ay makakatulong sa pagsagot ng mga katanungan
Ang Au pair Support ay makakatulong na maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan at patatalo sa pagitan ng au pair at pamilyang nag-anyay - at makakatulong din sila na ayusin ang mga pagkakagulo kung ito ay mangyari. Kami ay maraming karanasan sa pagbibigay ng payo at pag-aayos ng mga hindi pagkakasunduan dahil sa pagkakaiba ng wika at kultura.

Ang Au pair Support ay mapagkakatiwalaan ng mga lihim na pagsangguni
Lahat ng mga trabahador sa Au pair Support ay mapagkakatiwalaan. Ibig sabihin nito, ay puwede mo silang kausapin kahit anong bagay – pati mga confidential na impormasyon, na ayaw mong malaman ng ibang parte ng batas ng au pair, awtoridad o kaya mga iba pa.